9.13.2008

FEEL KO.

1. KUMAIN.
2. MAGLARO NG TAGUAN NGAYON DIN. (12.36 NG UMAGA)
3. MAG DRIVE.
4. KUMAIN SA MCDO.
5. KUMANTA
6. SUMAYAW.
7. KUMUHA NG NAPAKARAMING LARAWAN.
8. MATUTO NG "PAGPAPASENSYA"
9. MAKIPAG USAP SA AKING MGA MATATALIK NA KAIBIGAN.
10. PUMUNTA NG MAYNILA AT MAG SHOPPING ! HAHA.

hahahaaay, buhay. kanina lamang ay andito ang aking mga kaibigan "BARKADA" kumbaga. nag hapunan, nag sayawan, kantahan at nag WORSHIP. oo , dahil sa kanila inspired ako ngayon. haha. maraming salamat. hindi ko nga inaakala na muli pa naming maibabalik ang pagkakaibigang muntikan nang masira. ayoko ng muli pang masira ang aming samahan kaya lang sa kasamaang palad, pagkatapos na pagkatapos ng taong ito, may magpapaalam na. si almond, ang aking ama . hindi biro lang. pupunta na siya ng ESTADOS UNIDOS at doon na umano siya mag-aaral. ano baa. ang hirap kaya magpaalam sa isang kaibigang nakasama mo ng matagal na panahon. at may isa pa pala, si kaolin. hindi ko man siya gaanong nakilala ngunit, nagkasama din kami kaso nga lang, sa konteng panahon lamang. aalis na siya ngayong 22 ng setyembre. mag mamaygrate na ang kanyang pamilya sa canada. kanina nga ay nagkita kami, nabigla ako at hindi ko siya nakitang suot ang uniporme ng aming paaralan at may pagsusulit pa, ang sabi lang ni mommy cj, ay aanhin pa raw niya ang pagsusulit kung aalis na ito. tsktsk. mamimiss ko talaga ang taong yun.:)) kasi naman, ang kulit at napaka ingay. at pangatlo, si mommy cj. ang pinaka bagong miyembro ng aking buhay, aalis na papuntang cebu sa susunod na taon. doon na raw sila titira kasama ang kanyang ina. anoo ba naman ito. kung pwede lang sana sila diktahan na BAWAL UMALIS! ay sigurado, walang ni-isa ang aalis. pero sadyang ganito ang buhay, kailangan may umalis at mag paalam. :( hahahahhahaaaaaaaaay. oo na, sige na paalaaam . :))




ang paaralang nag bigay ng bagong simula sa akin: ANG UIC. :))




No comments:

Post a Comment

THOUGHTS HERE. :)