9.29.2012

SALAMAT


"Wala na akong ibang hihilingin
Salamat sa inyo kayo ay kapiling"

Had a very awesome night! Watched Paolo V and Callality performed live! Twas a blast!!!!! 
Si Paolo nauna magperform. He sang The Man Who Can't be Moved and yung isang kanta na di ko maalala yung title. Tapos yun. Medyo gwapo naman siy in fairness lang. XD Ayoko ng i elaborate yung nangyari kay Pao kasi parang ang short lang ng performance niya.

Tapos lumabas ang Callalily. si Aaron at Tatsi sa guitars, si Lemuel sa drums at siyempre, si Kean, ang natatanging Kean Cipriano na lead vocalist ng banda. 

Habang tumutugtog sila, ang saya ng crowd eh kasi napakaprofessional talaga nilang humawak ng crowd. Tapos si Aaron at Lem habang tumutugtog nagtatawanan. Ang cute tingnan! Haha. Si Tatsi, ang cool lang niya. Chill lang kahit si Kean nagkandarapa na sa pag strum ng gitara sinabayan pa ng pag kanta, talon, ayos ng buhok, sigaw, kanta ulit tapos patalon talon. IMBA. GALING. SALUDO AKO. Hahaha wagas. 

Habang nagsisigawan ang lahat kay Kean, eto ako at nauwi nanaman kay Lemuel. Seryosong good vibes naramdaman ko nung nasa harap na talaga ako tapos nakita ko kung pano hampasin at paluin yung drums. Shit men. Galing. Swabe. Wala akong masabi. Pero biro lang. Kasi habang natatahimik yung crowd eh talagang kinukuha ko yung chance na sumigaw ng "LEMUEL, I LOVE YOU, BIGAY MO NA SAKIN YUNG DRUM STICKS MO!" ng paulit ulit hangang sa nakuha ko na ata atensyon niya at habang sinasabi ko yun, bigla niyang inunscrew yung cymbals tapos parang tinatapon sakin. Tapos sinigawan ko na "ng ayoko niyan yung drum stick lang sakin!" hahah tapos yung tom toms naman yung pinagtripan sabay parang itatapon sakin. Hahhaah Lemuel, you da best talaga! Teka namiss ko tuloy si alden :( siya kasi yung unang tipo ko sa callalily eh. Kaya lang umalis kaya yun. sad. :/ hmmm tapos ano pa ba moments kay lemuel. Basta imba anggaling tumugtog!!!! 

Natapos ang gig ng masaya kasi pinagpawisan si Kean ng bonggang bongga. Si Aaron laki ng ngiti, si Lem naghubad ng sando tapos si Tatsi, chill pa rin. Haha gwapo ni Tatsi pero di ko pa rin maalis sa aking isipan na nung bago pa lang ang callalily, inakala ko na siya si Kyuhyun ng super junior. Bwahahaha. Sorry naman :))) 

Fast forward. Di kami umalis ni Arrene ng matapos na yung lahat ng kantahan kasi ayokong umalis ng grounds ng walang nangyayaring masaya. Kaya yun. Kinausap ko si ate Greta kung pwedeng makausap ng sandali si Lem. Pero sabi niya di na raw pwede kasi may hinahabol pang flight pauwi ng Maynila. PSHHHH. Frustrated, I decided to leave. PEROOOO hahaha naisipan kong pumunta sa kabilang side ng tent yung medyo malapit sa sasakyan nila. AND HELLO THERE Aaron Tatsi and Lem. Haha. Talagang sumigaw na ako ng "Lem, halika sandali lang may sasabihin lang ako". Parang may binulong ata siya kay Aaron tapos nag "nod" tapos yun lumapit sa direksyon namin. LOOOOOLLL WHAT IS MASAYA. Kinausap ko muna sina Tatsi at Aarong kasi nauna yung isang fangirl ni Lem. Nagpasalamat lang ako at sinabi ko na sana babalik pa sila kasi talagang I look up to them. CHOS. Sorry pala Tats kung nasabi ko kung pwedeng papic kami ni Lem. Haha. Di ko napigilan eh. So yun ng lumapit si Lem, kinuha ko na yung chance na magnag. hhahahaha. Conversation:

Ako: LEEEEM! Alam mo idol talaga kita!
Lem: Di ah! Mas idol kita eh! Kanina ka pa! Haha
Ako: haha kasi eh, galing mo! Drumstick mo kasi! Bigay mo sakin!
Lem: ngiti hahahah. 
Ako: basta balik kayo dito ah!
Lem: Oo balik kami! Pero sige ah hahabol pa kami ng flight!!
Ako: Okay magiingat kayo ah!! Pa hug isa lang!
Lem: Lika! hahaha 
Ako: *hug* LOOOLL tapos picture pala, remembrance!
Lem: Okay go!!!
Pagkatapos ng picture yun na, umalis na sila :(((
PERO NAPAGBIGYAN AKO NI LEMUEL AFW;ADKFGRFH;WADOJ. LEMUEL BUMALIK KA  NG DAVAO PASALUBONG NG DRUM STICK SAKA LULUTUAN KITA NG MASARAAAPPPP. 


WITH LEMUEL BELARO. CALLALILY'S DRUMMER <3 br="br">THANKS LEM! 

p.s. ang hott ni kean cipriano. ugh!!!!!
thank you arrene for coming with me kahit may sakit ka!! love you!!! <3 font="font">


xo, readysetdrool.

No comments:

Post a Comment

THOUGHTS HERE. :)